old altar of San Lorenzo Parish Church by bleak! |
present altar of San Lorenzo Parish Church by librero of SSC |
Ang simbahan ng Balagtas ay isa sa pinakaunang simbahan na itinayo sa dakilang lalawigan ng Bulacan, taong 1621 noong itinatag ang simbahang ito bilang pagkilala sa patron nito na si San Lorenzo Martir at Diyakono. Ang bayan ng Balagtas na dating tinawag na Caluya bago naging Bigaa ay itinatag bilang isang pueblo noon 1596. Ang pistang bayan ng Balagtas ay ginaganap tuwing ika-10 ng Agusto bilang pagkilala sa patron ng bayan na si San Lorenzo. Ang simbahang ito ay nasira ng lindol noong 1645 at 1880 at pinagawa ni Fr. Francisco Martin Giron kasabay ng pagpapadagdag ng kampanaryo at kumbento noong 1893-1898.
credits: tarlakenyo-ako of SSC