
Dumalo tayo sa ginanap na 4L Election dito mismo sa ating bayan, sa pangunguna ng ating masipag na Pangalawang Punong Bayan, Vice Mayor Mikee Jane Payuran-Gonda, na nagsisilbi ring Interim President ng liga.
Ang pagtitipong ito ay patunay ng patuloy na pagkakaisa at pagpapalakas ng papel ng kababaihan sa lokal na pamamahala. Buo ang ating suporta sa mga programang magbibigay-boses at magpapatatag sa liderato ng mga kababaihang lingkod-bayan.



