Sa ikaapat na pagkakataon, muling nakamit ng Balagtas ang prestihiyosong 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) Award! PINAKATAMATAAS NA PARANGAL mula sa DILG na binibigay sa mga bayan na may mahusay, matapat, at responsableng pamahalaan.
Isang malaking saludo sa masigasig na pamumuno nina Alkalde Eladio E. Gonzales Jr., Pangalawang Alkalde Ariel Valderama, at sa dedikadong pagsisikap ng lahat ng department heads at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Balagtas. Ang inyong pagkakaisa at serbisyo ay tunay na nagtataguyod ng makabago, maayos, at mapagkalingang bayan para sa bawat Balagtasenyo!
Patuloy nating itaguyod ang galing, puso at malasakit para sa mas maunlad na Balagtas!