Grandslam Panalo sa Seal of Good Local Govenance! Ikatlong Sunod na Tagumpay ng Bayan ng Balagtas sa Prestihiyosong Award ng DILG
Maligayang pagbati sa Bayan ng Balagtas sa pamumuno nina Alkalde Eladio E. Gonzales Jr. at Vice Mayor Ariel Valderama sa kanilang ika-tatlong pagkakamit ng Seal of Good Local Governance mula sa DILG! 
 
Muling pinatunayan ng ating mga deparment heads at kawani ng munisipyo ang kanilang dedikasyon at sipag upang maging posible ang tagumpay na ito.
 
Ang SGLG ay isa sa pinakaprestihiyosong parangal at itinuturing na pinakamataas na gawad na iginagawad sa mga lokal na pamahalaan.
Ito ay tanda ng mahusay na pamamahala, tapat na serbisyo, at epektibong liderato na patuloy na ipinapamalas ng ating lokal na pamahalaan.
 
Mabuhay ang Bayan ng Balagtas!