MASSIVE ANTI-RABIES VACCINATION UPDATE [UPDATED as of 8:20am]
- Mahigit 400 mga Alagang Aso at Pusa, Nabakunahan sa Bgy. PULONG GUBAT
- Bakunahan sa Bgy. BOROL 2nd, Sisimulan Ngayong Araw
Naging matagumpay po ang isinagawang bakunahan kontra RABIES sa Bgy. PULONG GUBAT noong Marso 29-30. 324 na mga aso at 84 na mga pusa ang nabakunahan natin.
Ito po ay handog ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating Alkalde Eladio, Jr. at VM Ariel Valderama. Ito po ay isinagawa ng ating Municipal Agriculture Office sa pangangasiwa nina G. Norberto A. Estanislao (Municipal Agriculturist) at G. CJ Acosta (Municipal Livestock Coordinator).
Ngayong araw at sa susunod pa (Marso 31- Abril 1), tayo naman po ay tutungo sa Bgy. BOROL 2nd at gagawin ang bakunahan simula 8:30am hanggang 11:30 sa mga sumusunod na mga LUGAR:
March 31
Purok 1 St. Francis Subd.
Purok 1 Sta. Elena Subd.
Purok 2 Dalig Road
Purok 3 Barangay Hall
April 01
Purok 3 Galvez Residence
Purok 4 Windmill Nia Road
Purok 5 Villa Juliana Subd.
Purok 6 Jethro Compound
Maraming salamat po. Isang ligtas na umaga sa lahat ng mga Balagtasenyo!