Kay GANDANG REGALO sa mga BALAGTASENYO,

Isang Bagong AMBULANSYA sa ARAW ni Gat KIKO!

Pinagbigyan po ng PCSO ang kahilingan ng ating butihing Alkalde Eladio Gonzales, Jr. para sa isang PTV o Patient Transport Vehicle; at ang bayan po ng Balagtas ay isa lamang sa iilang LGU sa Bulacan na nabigyan nito. Ang nasabing ambulansya po ay KUMPLETO na din sa kagamitan! 

Ito po ay hinandog, binasbasan kahapon pagkaraan ng Banal na Misa para sa ika-234 Guning-Taong Kaarawan ni Gat Kiko Balagtas.

Lubha tayong natutuwa dahil ito po ay makakatulong ng malaki para mabigyan ng tugon ang mga pangangailangan ng mga Balagtasenyo lalu na sa panahon ng EMERGENCY. Ang bagong ambulansya ay ibibigay sa pangangalaga ng ating MDRRMO.

MARAMING salamat sa PCSO. Maraming salamat sa ating mga TAXPAYER at higit sa lahat, sa ating PANGINOON!