Matagumpay na naidaos ang GAD Project na Kasalang Bayan 2026 sa Bayan ng Balagtas, isang proyekto na naglalayon na mabawasan ang bilang nang mga kababayan nating hindi kasal sa Bayan nang Balagtas, eto rin ay isang hakbang upang ang mga Non-Marital children ay maipasimula upang maiayos ang kanilang status bilang Marital Children o mas kilala sa tawag na Legitimate Children.




